Gusto kong makapag asawa ng Danish,
tumira sa Denmark.
Magka anak ng apat. Tatlong lalaki at isang babae.
Syempre matangkad yung mga lalaki, matipuno, magalang, may respeto sa kapwa lalo na sa nakakatanda at babae, mapag kumbaba, mapagmahal sa pamilya at may matibay na paniniwala sa Diyos.
Syempre ang babae, hiling ko lang bunso para di lang ang tatay nya mag protekta sa kanya kundi pati na yung tatlo niyang kuya. Syempre maganda tulad ng nanay. wink wink.
Mabalik tayo sa Danish. At bakit Danish? Una mababait, may pinagaralan, mapagkumbaba, marami sa kanila simple at mahinahon mag salita at higit sa lahat matangkad at pogi. Kasi di bale na ako na ang maliit importante ang magiging ama matangkad para hindi naman maliliit ang anak namin. Kahit ayos naman maliit, di ako payag mga anak kong lalaki unano.
Pangalawa kung bakit Danish, kase sa laki ba naman ng tax nila sigurado ayos na kalagayan ng pamumuhay namin, lahat sagot na mula pag aaral hanggang ospital wala ka nang problema.
Pangatlo, galante. Pang apat, pala tawa kagaya ng pinoy.
Pag nakatungtong na ako ng Denmark, at nanirahan na doon una kong gagawin ay may luto ng adobo. Tapos kare-kare. Ipapatikim ko sa asawa ko hehe. Tapos syempre bago pa yun, mag aaral ako kung pano yung lenguahe nila. Kaya mas nakaka aliw madaming bago. Pag tipong marunong na akong mag Danish, yun ingles at tagalog ang magiging lenguahe namin sa bahay.
Mag aaral mako magluto ng local food cuisine nila doon. Tapos mag rerequest ako sa asawa ko pagawan nya ko ng cafe. Para may business ako. O di kaya naman papasok ako sa isang IT company, tapos mag Sharepoint ako don, kaso ayoko na pag may anak nako. Gusto ko petiks na lang. Ang mga pagkain nila halos doon gulay prutas, lean meat, cheese, tinapay.. Mahal ang kanin kaya pabor, no rice kami sa bahay pasta na lang. palagi kong lulutuan pamilya ko. Yung anak kong babae, isasama ko sa Gym, magsasayaw kami sana type nya. Tapos tuturuan ko syang tumakbo, magdrawing, magsulat, kumanta. Ipapasok ko sya sa martial arts, kaso halos zero crime rate doon kaya di gaano magagamit ang self defense.
Yung mga anak kong lalaki, bahala na sila. Tatay nila ang incharge.
Ano pa at pag anniv namin ni hubby, mag European tour kami. Eh train lang naman yung ibang karatig bansa tulad ng Germany, Poland at iba pa. Sure magtatagal kami sa Paris. Kasi favorite place ko yun. At lagi kaming mag ho-honey moon haha. E kase mahal ko sya, pero mas mahal nya ako kaya ganun na lang kami ka in-love. Isasama nya ko sa posh resto, kakain kami ng hindi ako tataba. Mag swimming kami sa Santorini Greece, lagi nga ako mag check in sa four square para mamarkahan ko yung mga lugar na napadpad na ako.
Tapos ganoon pa din, magsusuot ako ng stiletto at flowy dress, pero once lang yun, pag gala mag slippers lang ako. haha kaloka. Yung asawa ko lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalaki nasa kanya, yung ayaw ko ayos lang tolerable kasi mahal ko sya, isa pa nasa Denmark na ako may cafe pa haha. Pero ganoon pa man may bahay kami sa Pinas, dito din kami lalagi madalas, haha sosyal.
Katulad ng pagalaga ko sa sarili ko ngayon, higit ko pang pahahalagahan at iingatan yung magiging paliya ko. So ready na, isang araw biglaan na lang. Bahala na pero, thank you Lord.. In advance. No pressure lang Lord, relax naman ako e. :) :) :)
xoxo
Fran