Una sa lahat, pinili ko to.
Masakit yung paulit ulit kang sinasaktan, pero pinili mo pa ding mahalin.
Masakit yung kahit anong gawin mo, ikaw lang pala ang lumaban hanggang sa huli.
Masakit yung malaman mo na may iba na pala, hindi mo pa alam.
Masakit yung taong binibida mo sa ibang tao, yun pala ikaw niyuyurakan na sa iba.
Masakit yung malaman mong nagtitiis ka sa hirap ng laban ng buhay bilang isang ina, habang sya na man may kayakap ng iba at may ngiting tagumpay.
Masakit yung taong buong puso mo pinagkatiwalaan, bumuo na pala ng sariling buhay kapiling ng iba.
Masakit yung akala mo sya yung katuang mo sa laban ng buhay, pero hindi na pala ikaw ang pinag sasabihan nya ng mga ganap sa buhay nya.
Masakit yung akala mo may papel kapa sa buhay nya, binigay na pala nya ang susi sa iba.
Masakit yung, niloloko ka. Para ka na ding sinaksak patalikod habang naka ngiti.
Masakit yung pinili na nya, kahit anong tanggi tagos sa buto. Pinili na nya ang iba.
Masakit yung ilang taong binuno kasama ng mga bata, mauuwi sa alikabok na prang tinangay ng hangin. Napuwing, umiyak, natulala.
Masakit yung makita ang mga bata, maghanap ng kalinga ng ama. Na hindi ko maibibigay kailan man.
Masakit, maiwan, magisa sa ere ng taong akala mo sya na.
Masakit pala. Masakit pala, kung mali ang pinili mong mahalin. Hindi lang ako ang pusong nawasak, may dalawa pang umasa.
Masakit, dahil sa lahat ng sakit ayaw kona sa iyo. Sinaktan mo lang ako. Ginamit. Niloko. Pinaglaruan.
Pinagsamantalahan. Daig ko pa ang nagahasa ng syam na taon. Apaka dumi. May tao pala na labis ang sama ng ugali katulad mo. Tama ka sa isang bagay, ikaw ay isang demonyo.
Hindi ko sinusumbat lahat ng nagawa ko sa iyo, tunay lang akong nagmahal. Hindi ko lang malubos isipin na eto ang kahahantungan ko sa mga kamay mo. Mga kamay na may tinik, pusong may lason, matang nakaka bulag. Katabi ko ay ahas, na unti unti akong pinapatay sa tuklaw.
Higit sa lahat, masakit maging manhid. Hindi ko na alam, pano ang tunay na pagmamahal pagkatapos neto. Takot, wlang tiwala, di na papayag, ayaw na ng pusong ginawang bato ng taong wla naman akong ginawa kundi mahalin ng buong buo. Sa huli, ako pala yung talo.
Masakit. Ngunit, di nakakagulat. Una sa lahat, pinili ko ito.
No comments:
Post a Comment